Jean Ivy N. Bulala January 31, 2012
BSPH 1C
Inang Yaya
Isang Ina na nagmamahal sa anak, at isang yaya na nagmamahal sa alaga. Ito pelikulang pinamagatang Inang Yaya na aming masusing sinuri . Sa pelikulang ito masasabi kong ang mga tauhan dito ay nagampanan nila ng buong husay ang mga karakter na kanilang ginagampanan. Sa panonood ko sa pelikulang ito nakuha nila ang aking simpatya at lahat ng mga tauhan sa pelikulang ito ay nakaka agaw pansin sa mga manonood. Base sa storya o kwento ito ay napakamaayos at masasabing mayroong enerhiya ang kwento. Habang tumatakbo ang kwento lalo itong nagiging kapanapanabik lalong lalo na nung akala ko sasaktan ng matanda yung bata ngunit hindi pala. Ang storya sa pelikulang ito ay tumatakbo base sa nais ipahiwatig ng kwento. Kung pag uusapan ang wakas ng nasabing pelikula hindi masyadong kasiya-siya kasi parang “ay ganoon pala ang wakas parang mayroong kulang. Sa pananalita naman masasabi kong may respeto naman kasi hindi nagsasapawan sa pagsasalita ang mga tauhan ngunit may mga salitang mga hindi kaaya-ayang pakinggan lalo na ng mga bata. Naiintindihan naman ang mga pagbigkas at pananalita ng mga tauhan dahil may control naman sila sa pagsasalita. May laman din ang mga salitang binibitawan ng bawat karakter sa pelikula. Kung tema at paksa naman ang pag-uusapan may vision ang pelikula. Para sa akin ang pinal na analisis sa kahahantungan ng pelikula ay magiging mas maganda ang mga visual effect at makakauha talaga ng simpatya mula sa mga manonood. Ang pelikulang ito ay nakakaantig ng puso sa lahat ng manonood kaya’t masasabi ko na ang pelikulang ito ay may puso. Isang kaisipan ang tumatak sa aking utak at ito ay hindi man kayo magkadugo hindi nangangahulugan na hindi mo magagawang mahalin ng buong puso ang isang tao. Sa titulo ng kwento na Inang Yaya masasabi kong ito ay akma sa kwento dahil tumatakbo ang kwento sa isang Ina na lubos na nagmamahal sa kanyang anak sa kabilang banda isa ring yaya na nagmamahal ng buong puso sa kanyang inaalagaan. Ang titulo ng pelikula ay may kahulugan o simbolismo batay sa kwento. Sa cinematograpo maganda ang mga kuha ng anggulo at napalutang ang mga kaisipang gustong palutangin ng mga gumawa ng pelikula. Isa rin dahilan ang mga visual effect kung bakit maganda ang kinalabasan ng pelikula. Para sa akin ang lente ay hindi na adjust kasi ang pelikulang ito ay masusing ginawa at masusing binantayan ang bawat galaw ng actor upang magkatugma at hindi ma adjust ang lente. Sa aspektong teknikal naman maganda at umayon ang mga napiling musikang gagamitin sa pelikula at akma ang mga musikang ginamit sa pagpapalitpalit ng eksena. Kung ilaw at tunog ang pag-uusapan ito ay napaka coordinated at bumagay ito sa mood ng bawat eksena. Para sa akin mahusay ang pag kaka edit sa pelikula Isa rin sa mga nakabuti sa pelikula ay ang pinagdugtong dugtong ng mga kinunang eksena.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento