Diary !!
Happy Halloween !! I was just fixing my things when I saw the Talumpati of mine in our Filipino subject final examination during our 1st semester. I want to share this Talumpati of mine and it's Entitled "KAHIRAPAN.
It goes like this;
Isang mainit na tanghali ng niyaya ako ng aking ama at ina na samahan silang mamili ng mga pangunahing pangangailangan sa aming tahanan.Agad naman akong sumama sapagkat wala rin naman akong ginagawa.Sa byahe may isang grupo ng mga bata ang nakatawag sa aking atensyon, kumatok sila sa bintana ng aming sasakyan tila humihingi ng kaunting barya, kaya naman sinubukan kong kumuha mula sa aking bulsa ngunit wala talaga akong mahanap. T'sempo pang nagkulay berde na ang ilaw trapiko at agad agad umusad ang aming sasakyan. Sumama ang loob ko sa aking sarili dahil wala man lang akong naiabot na kahit kaunting tulong sa kanila. Lubos na tumatak sa iaip ko ang pangyayaring iyon at nagsimulang bumuo ng mga katanungan; Bakit nga ba may mga taong humihingi ng tulong sa iba ? Wala ba silang maisip na paraan para kumita ng pera ? Bakit ba hinahayaan ng mga nasa matataas na antas/gobyerno ang mga batang iyon na makipagpatentero sa mga sasakyan sa daan ? Ito na nga ba ang tanda ng kahirapan ?
Maraming tanong ang naglabasan, kailan kaya matatapos ang suliranin nitong bayan ? kailan malalagay ang lahat sa katahimikan ? Paano uunlad ang ating inang bayan, kung ang mga taong naglilingkod ay mga walang pakialam ? Pandaigdigang krisis ay ating batid. Paghihirap natin mayroon pa bang katapusan ? Hanggang kailan tayo magtitiis sa mga butas natibg bulsa dulot ng mga pulitikong sakim sa kayamanan. TAMA !! na SOBRA na ang mga pang aapi. Napag isip isip mo na ba ? Tayo'y dapat magmasid, makinig, magsalita .
Maraming Salamat po ! :))
And that ends my Talumpti :)) credits to LINLIN ang GEL :))
-- Jean Ivy Bulala
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento